Feature Writing

Fragments of the past

Yung may makikilala kang tao na magiging ka-close mo at mag uumpisa kayong gumawa ng mga masasayang bagay na magiging dahilan ng pag kahulog ng loob mo sakanya.

Dadating sa punto na pareho kayong high sa isa’t-isa. Araw-araw kayong nag uusap at nagkkwentuhan. Yung isang araw na magkasama kayo, pakiramdam mo katumbas ng isang buong taon. Nakaka aliw. Nakaka baliw.

Lumalalim na yung pinagsamahan niyong dalawa. Tawanan, yakapan, holding hands at I love you-han na walang humpay; ang kulang na lang ay yung salitang “kayo”.

Tapos isang araw pag gising mo, tinignan mo agad yung telepono mo dahil nakasanayan mo na may text siya sayo tuwing pag gising mo. Pero wala siyang text. Naisip mo na baka siguro tulog pa siya o wala siyang load.

Nag kita kayo kina bukasan pero parang naramdaman mong may iba.

Habang humihigop ka ng mainit na tsokolate at habang pinapanood mo siyang hipan ang mainit niyang kape biglang napaisip ka. Bakit parang pamilyar tong pakiramdam na to sayo? Oo nga pala, ilang beses mo na nga palang napagdaan to. Ilang linggo na lang o pag kinantot ka ng kamalasan araw na lang ang bibilangin mo mababago na ng tuluyan ang lahat. Goodbye. Hasta la vista, baby. Magiging isa na lamang siyang alaala. Pang dagdag sa koleksyon mo ng alamat ng pinya.

Ganun lang. Natapos ng ganun-ganun lang. Ni hindi mo maintindihan bakit o kung paano nangyari. Ang sakit diba? Ang mas masakit don, hindi ka man lang binigyan ng paliwanag o dahilan kung bakit.

Basta ka na lang tinalikuran. Iniwan. Binitawan.

Ano, ilang beses mo bang pag dadaanan to? Ilang beses mo bang dapat daanan ang isang kalsada bago ka makarating sa pupuntahan mo?

Sabi nga ng kaibigan ko, ang pag-ibig daw ay may isang prinsipyo “Paano ka tatama, kung di ka tataya?”

Putang-ina. Taya ako ng taya. Pagod na kong tumaya. Bankrupt na bankrupt na ko. Butas na ang bulsa ko.

Wala pa din akong panalo.

 

Originally posted last October 5, 2011

Previous Post Next Post

You Might Also Like